the blogger

Alex | 17 | Philippines

I was looking for a world where I belong, then I found Tumblr. This blog is my own portal of virtually-scribbled opinions, thoughts and unsaid feelings. Anything in this blog will stay in this blog forever. Never bring it to the real world.

09165212835

Disclaimer

All posts in my portal are mine unless otherwise stated. Thank you.

Note from the Blogger

I, personally, thank you for visiting my blog. I just want to say that I may not be an active blogger for still unknown weeks or months due to hectic schedules and busy schooldays. I hope you do understand my situation. Maybe I can still be active every weekends but it's not still sure. Sorry if I will be idle. Thank you if you still follow my blog and if not. Just do leave a message in my askbox.

Proud Escapist

Tumblr's Escapist
This is a group of bloggers with different personalities and interests that have been united through a diversity of passion for writing.

Credits

Theme made by Dakilanggerlpren
Back to top button by Dakilanggerlpren
Codes & Tutorials from Google
Powered by Tumblr

"Hinding hindi na kita iiwan. Hinding hindi na kita sasaktan."
Yakap ko siya ngayon. Mahigpit dahil ayaw kong mawala na siya sa akin. Gusto kong sulitin yung mga ganitong sandali. Mga sandaling minsan lang mangyari. Mga sandaling alam kong kadalasang sa panaginip ko lang nakikita. Teka, totoo na ba ito? Baka nananaginip ulit ako. Ganito rin kasi yun eh. Natatakot ako na baka bigla akong magising. Ayaw ko pa. Gusto ko dito. Gusto kong ganito kami. Bigla ko na lang naramdaman na humikbi sya. Umiiyak na naman siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya niyakap ko na lang siya nang mahigpit para malaman niyang mahal ko siya.
Bigla siyang humiwalay at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam pero bigla na lang akong natakot sa ginawa niya at natatakot ako sa kung anong pwedeng gawin niya. Tumingin siya sa aking mga mata. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Blangko ang mga mata niya. Lalo lang akong kinabahan.
"Pasensya na…"
Ang sakit. ‘Pasensya na’ pa lang, ang sakit sakit na. Halos madurog ang puso ko sa narinig ko. Alam kong hindi pa siya tapos pero parang alam ko na kung saan tutungo ang sinasabi niya.
"Pasensya na. Mahal pa rin kita kaso hindi na talaga pwede. Masyado na akong nasaktan. Masyado na akong nadurog. Masyado na akong nasira. Masakit. Sobra, alam mo ba yun? Gusto ko pa sanang subukan pero baka kapag sinubukan ko ulit, lalo lang kong madurog. Lalo lang akong masaktan at baka sa susunod, hindi ko na kayang buuin ulit ang sarili ko sa sobrang pino nang pagkakadurog mo."
Wala na akong nasabi. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang reaksyon ko sa mga narinig ko. HIndi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Para akong nasampal ng plywood sa mukha, hindi pala, dos por dos pala. Ang sakit. Ganito pala ang pakiramdam kapag ibinato lahat sayo, lahat ng pagkakamali mo lalo na’t totoo? Ngayon, mas gusto ko nang panaginip lang ito at magigising din ako maya-maya. Bangungot na ito, at ayaw ko nang magtagal dito. Baka hindi ko na kayanin pa. Sana magising na ako. Sana.

Posted on 30/Jan/13 with 15 notes Reblog

  1. desperadongbinatilyo posted this
Source: desperadongbinatilyo

Favorite Quotation

“I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this, in which there is no I or you, so intimate that your hand upon my chest is my hand, so intimate that when I fall asleep your eyes close.” ― Pablo Neruda, 100 Love Sonnets

Backread